PAWB - Public Access Without Barriers - HOME PAGE
Keyboard (pc)

Mga Computer at Internet

Lahat ng mga Rhondda-Cynon-Taf na Library ay naglalaan ng libreng

paggamit ng mga computer at ng Internet. Ang mga computer na ito ay

maaaring gamitin sa paghahanap ng impormasyon, pagpapadala ng mga email,

at para sa word processing o paghahanda ng mga pagtatanghal.

  • Microsoft Office

  • Acrobat Reader

  • Adobe Photoshop Elements

  • Cicero para sa pagbabasa ng mga screen at pagpapalaki ng mga naka-scanned na dokumento

  • Cysgair online na diksiyunaryo sa wikang Welsh

  • Cysill para sa spellchecking sa wikang Welsh

  • Frontpage para sa web design

  • Supernova para sa pagbabasa ng mga screen at pagpapalaki

  • Scanning

May bayad sa

  • Printing

  • Mga computer disk, CD-R at mga memory stick

Mga kondisyon ng paggamit

Libre ang paggamit sa lahat ng mga miyembro ng library

Kailangan mong ipakita ang membership card sa pagsisimula ng paggamit ng

computer.

Lahat ng paggamit ng Internet ay pinamamahalaan.

Lahat ng gumagamit ay kailangan tapusin ang isang kasunduan na

pormularyo sa paggamit ng Internet na nagpapatotoo na nabasa na nila at

naiintindihan nila ang kasunduan ng paggamit ng library.

Ang mga tao na hindi pa nasa edad na 18 ay maaaring gumamit sa Internet

kung ang isang magulang o legal na taga-bantay ay pumirma ng pormularyo

ng pahintulot para sa kanila sa loob mismo ng library at ang isang employado

ng library ang naging saksi roon.

Ang magulang o taga-bantay ang may responsabilidad para sa mga

tinitingnan ng mga anak nila. Ang serbisyo ng library ay walang

responsabilidad sa pamamahala ng paggamit ng mga bata sa Internet.


Man at PC

Impormasyon sa pagpapareserba

Hanggang isang linggo bago ang iyong pagpunta sa silid-aklatan, ang mga

computer ay maaari mong ireserba ng hanggang dalawang oras bawat araw.

Ang iyong pagpapareserba ay mawawalan ng bisa kung huli ka ng higit sa 10

na minuto pagkatapos ng oras ng pagpapareserba mo.

Kung walang masyadong naghihintay sa paggamit ng mga computer, maaari

kang lumampas sa oras ng sesyon mo.

Mga bisita sa Rhondda-Cynon-Taf

Libre ang paggamit ng Internet ng mga bisita sa Rhondda-Cynon-Taf kung

may katunayan sila ng permanenteng address nila at ng address ng kanilang

pansamantalang tirahan. Kailangan rin tanggapin nila ang kasunduan ng

paggamit sa Internet.

Rhondda Cynon Taf
WAG
Basic Skills Agency Wales
Coleg Morgannwg
Merthyr Tydfil CBC
University of Glamorgan